Sunday, February 26, 2017


______________________________________________________

SI BASILIO
(Kabanata 6)

______________________________________________________


BUOD 

     Nang tumungtong na ang kampana para sa misa de gallo, si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit na ang buwan, kaya’t paaninaw na tinungo niya ang libingan ng kanyang ina. Sinamantala niya ang pagdalaw sa puntod dahil dadalaw siya sa bahay ni Kabesang Tales kinabukasan. Mahigit lanbintatlong taon na ang nakalipas nang namatay ang kanyang ina. Nasaisip niya ang kanilang pighati na naranasan noon. Isang di kilalang lalaking ang tumulong sa kanya, binigyan siya ng salapi at iniutos na lumayo sa bayan na iyon.


     Na ulila ng lubusan si Basilio – walang mga magulang at kapatid. Lumuwas siya ng Maynila na may sakit at gusot-gulanit ang damit. Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel, kapapasok lang ni Maria Clara sa monasteryo. Dahil dito, lungkot na lungkot si Kapitan Tiyago kaya tinanggap na utusan si Basilio - walang bayad ngunit pinag-aral siya sa San Juan de Letran.

       Noong unang taon niya sa paaralan, ang tanging maibigkas niya ay "adsum" o "narito po" at ang kanyang pangalan. Dahil sa kanyang pananamit, nilalayuan siya ng kanyang mga kaklase maging ang kanyang gurong Dominiko ay hindi siya tinatanong sa klase. Sa kabila ng pang-aapi na kanyang naranasan, hindi siya nagpapadala sa mga ito, nasaulo ni Basilio ang kanilang mga liksyon kahit hindi niya nauunawaan ang karamihan doon. Nang nagkaroon sila ng pasulit, natugon niya ang kaisa-isang tanong nang walang kagatol-gatol. Sa huli, nakamit ni Basilio ang markang aprobado. 

       Nang tumungtong si Basilio sa ikatlong taon ng kanyang pag-aaral ay bumuti-buti ang kanyang kalagayan. Naging guro niya ang isang Dominikong masayahin, palabiro at magpatawa. Naisipan ng propesor na magtanong kay Basilio upang lituhin ito sa pagtatanong ng liksyon. Subalit, nasagot siya ni Basilio nang tuloy-tuloy, parang loro siya kung sumagot. Binigyan pa ng guro si Basilio ng ilang katanungan para magkaroon ng katatawan sa klase ngunit nasagot ni Basilio ang mga katanungang ito, kaya napahiya ang gurong Dominiko. Isang propesor naman niya ang nagkaroon ng alitan ng ilang mga kadete at naghamunan sa labanan gamit ang sable at baston. Nangako ang guro na kung sino man ang sasali ay bibigyan ng malaking marka. Isa si Basilio sa mga sumali at nanalo sa labanan. Dahil dito, nakamit niya ang pinakamahusay na marka.

       Sa nakitang pagsisikap sa pag-aaral ni Basilio, inilipat siya ni Kapitan Tiyago sa Ateneo Municipal. Gusto sana ni Kapitan Tiyago na abogasya ang pipiliin ni Basilio sa pag-aaral pero pinili niya ang medisina dahil sa sariling hilig at pag-uugali. Lalong pinagbutihan ni Basilio sa pag-aaral, noong nasa ikatlong taon pa lamang sa medisina ay nanggagamot na siya. Ang kanyang pera sa panggagamot ay pinagbili niya ng mga damit upang mabihis ng mabuti at nakapag-ipon nang kaunti. Dalawang buwan na lamang at doktor na siya. Makakauwi na siya sa kanyang bayan upang magpakasal kay Huli.


MGA TAUHAN 




BASILIO- ang mag-aaral ng medisina at naging utusan kay Kapitan Tiyago. Kasintahan ni Huli.





SIMOUN- 
ang taong di kilala ni Basilio na tumulong sa kanya labintatlong taon na ang nakalipas.






KAPITAN TIYAGO-  tinanggap niya si Basilio bilang isang utusan, tinulungan niya si Basilio upang makapag-aral.






HULI- kasintahan ni Basilio.







SULIRANIN SA KABANATA


  • Pagmamaliit o diskriminasyon- nakikita ang pagmamaliit sa kabanatang ito noong linalayuan ng mga tao si Basilio dahil gusot-gulanit ang damit. At ang pananaw ng mga tao sa mga Indiyo ay mahina ang utak dahil hindi sila nakapag-aral.
  • Hindi pantay-pantay ang pagtrato- ang mga guro sa mga paaralan ay hindi pantay-pantay ang pagtrato sa kanilang mga estudyante. Halimbawa, kung ang isang estudyante niya ay mayaman, inuuna nila ito.

  • Hindi pantay-pantay ang karapatan- hindi pantay-pantay ang karapatan ng mga estudyante. May iilan na gustong sumagot sa klase upang maibahagi ang kanilang ideya, pero binalewala lang ito ng guro.

ISYUNG PANLIPUNAN 

       Ang isyung panlipunan na nangyayari sa kasalukuyan ay una, diskriminasyon o panglalait. May iilan sa mga mag-aaral ang nanglalait sa kapwa nila kaklase. Maaring ang bata o kaklase na kanilang inaapi ay mahina sa paaralan o di kaya'y sa estado niya sa buhay. Pangalawa, ay hindi pantay-pantay na pagtrato ng mga guro sa kanyang mga estudyante. May iilang guro na hindi pantay-pantay ang pagtrato sa kanyang mga estudyante. May iba na inuuna ang kanilang mga estudyante na mahusay sa paaralan o di kaya'y dahil sa estado sa kanyang estudyante.

GINTONG ARAL

       Hindi tayo dapat magpapadala sa mga sabi-sabi ng mga tao na iyon mismo ang rason kung bakit masama ang pananaw natin sa sarili, bagkus gawin natin iyong lakas upang tayo ay maging tagumpay sa ating mga gawain. Kung mayroon mang mga pagsubok na papasok sa ating buhay, dapat nating harapin ang mga ito, huwag basta-basta sumuko. Panghuli, sabi nga sa kasabihan na "Huwag gawin sa iba kung hindi mo gusto gawin ng iba sayo." Sa katagang iyon ang ibig kong sabihin ay ang panglalait na makikita sa kabanata na ito na nararansan ng ibang kabataan ngayon, kung hindi mo gusto na nilalait ka ng iba, huwag mo din itong gawin sa iba. 

14 comments:

  1. Dba po kasama dapat si Maria Clara sa mga tauhan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Namantay na si Maria Clara sa Noli Me Tangere pa lang kaya hindi na siya kasama sa kwento. Isa pa, si Simoun ay Si Ibarra din sa Noli Me Tangere, karugtong ng nito ang El Filibusterismo

      Delete
    2. Hindi pa naman talaga namatay sa Noli si Maria Clara namatay na talaga siya sa el fili

      Delete
  2. Salamat po dito. Laki ng tulong nito hihi

    ReplyDelete
  3. Wala po yung buong storya ng kabanaga 6 el fili?

    ReplyDelete
  4. Need mga pahayag ni basillio thanks

    ReplyDelete
  5. thankyou po, very helpful po siya

    ReplyDelete
  6. Ano po ang tunggaliang pangyayari?

    ReplyDelete
  7. Sino po yung alibughang anak at Panyang anak

    ReplyDelete